Home METRO 4-day road repairs isasagawa ng DPWH sa ilang bahagi ng QC

4-day road repairs isasagawa ng DPWH sa ilang bahagi ng QC

MANILA, Philippines – Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado, Hunyo 1 na magsasagawa ng pag-aalis ng kasalukuyang aspalto ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Quezon City mula Sabado hanggang Miyerkules, Hunyo 5.

“The Department of Public Works and Highways will conduct removal of existing asphalt pavement (rotomilling) during nighttime starting 10 p.m. tonight, June 1, until 5 a.m. of June 5,” saad sa Facebook post ng MMDA.

Narito ang mga kalsadang maaapektuhan ng asphalt removal:

Congressional Avenue, Visayas Avenue hanggang April Extension
Congressional Avenue, EDSA (NB) sa harap ng Sprint Auto Spa
Congressional Avenue, sa harap ng Spirit Auto Spa hanggang Mindanao Avenue
Congressional Avenue, Mindanao Avenue hanggang Visayas Avenue

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta upang hindi maabala. RNT/JGC