Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa P5.2M halaga ng sunog sa Navotas

1 patay, 2 sugatan sa P5.2M halaga ng sunog sa Navotas

267
0

MANILA, Philippines – Isang 20 anyos na lalaki ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan matapos tupukin ng apoy ang higit sa P5-milyong halaga ng ari-arian sa naganap na sunog sa isang pasilidad ng imbakan ng mga dekorasyon at kagamitan sa mga event, napaulat kahapon sa Barangay San Rafael Village sa Navotas City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SFO2 Junie Bert Mendoza ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Navotas, ang nasawi ay napag-alamang taga-Cavite.

Nabatid pa na dalawa pang indibidwal ang nagtamo ng mga sugat sa naganap na sunog.

“Ang tinitingnan nating anggulo dito na posibleng sanhi ng sunog ay ang electrical overload. Yung nagwe-welding, posibleng gumamit ng extension wire batay sa unang pahayag niya. Kaya posibleng magkaroon din ng pagkasunog ng materyal dahil sa welding slag,” sabi ni Mendoza.

Posible umanong overloading sa kuryente ang sanhi ng sunog.

Ayon sa BFP, maaaring gumamit ng extension wire ang taong nagwewelding.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog subalit gawa lamang sa light materials ang lugar kaya’t mabilis ang pagkalat ng apoy.

Tunagal ng apat na oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang sunog.

Tinatayang aabot sa P5.2 milyong halaga ng ari- arian ang naging pinsala ng nasabing sunog. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here