Home NATIONWIDE Walang VIP o special treatment sa flood control detainees — BJMP

Walang VIP o special treatment sa flood control detainees — BJMP

321
0

MANILA, Philippines – Walang VIP o special treatment sa mga opisyal ng gobyerno sakaling makulong kaugnay sa kontrobersyal na flood control pprojects, ayon sa Bureau of Jail Management and Penelope (BJMP).

Sa press conference sa 2nd National Decongestion Summit sa Manila Hotel ngayong araw, Enero 22, sinabi ni BJMP spokesperson Jayrex Bustinera na standards ang kanilang kulungan kung saan nakakulong ang mga ordinaryong bilanggo ay doon din ikukulong ang mga sangkot sa infrastructure projects.

Giit ni Bustinera, zero tolerance ang BJMP sa anumang espesyal na trato.

Kung may opisyal ng BJMP na magbibigay ng VIP ay sasampahan ng kasong administratibo at maaaring tanggalin sa serbisyo partikular ang warden.

Sinabi pa ni Bustinera na magbibigay ng body-worn camera ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga jail personnel na magbabantay sa mga dating opisyal ng gobyerno upang matiyak ang transparency at accountability.

Tiniyak din ng BJMP na ang kanilang pasilidad ay makatao at ang trato sa ordinaryong bilanggo ay pareho lamang sa ipinagkakaloob sa mga high-profiles.

Tiwala din ang BJMP na ang kanilang mga empleyado ay propesyonal at susunod sa professional ethics at guidelines.

Bukod dito, susunod din aniya sila sa patakaran na ‘no VIP treatment.’ Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here