MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin habang naglalakad sa Bagong Purok Brgy 36M, Caridad, Cavite City.
Ayon sa report, kinilala sa alyas Marvin ang biktima, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Base sa salaysay ng kapatid biktima sa pulisya, alas 11:30 ng gabi nang maganap ang krimen kung saan naglalakad umano ang biktima sa may Purok street at may bitbit na isang bakal.
Nang mapadaan ang suspek sakay ng scooter, huminto ito at nagpark. Lumapit umano ang biktima sa suspek na bitbit pa din ang tubo kung saan inakala ng suspek na may gagawing masama ang biktima dahilan upang bumunot ito ng baril at pinagbabaril ito.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit.
Narekober ng pulisya ang apat na fired cartridge case ng cal 45 at isang bakal. MARGIE BAUTISTA