Home OPINION ABOT-KAYANG PABAHAY, MABABANG INTERES IDINISENYO NG PAG-IBIG FUND PARA SA MEMBERS

ABOT-KAYANG PABAHAY, MABABANG INTERES IDINISENYO NG PAG-IBIG FUND PARA SA MEMBERS

317
0

AYON kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Ma­rilene C. Acosta, ang kanilang mga programa ay idinisenyo upang manatiling abot-kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay para sa mga miyembro nasa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Noong nakaraang taon ay naglunsad ang Pag-IBIG Fund ng mga programang tutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga miyembro. Kabilang dito ang mga subsidized at promotional rates para sa mga kwali­pikadong nanghihiram, pati na rin ang pondo para sa pagkukumpuni at pagpapaayos ng bahay.

Sa ilalim ng Pag-IBIG Housing Loan para sa Expanded 4PH, ang mga kwalipikadong miyembro nasa Pilipinas at lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na unang beses pa lamang bibili ng bahay ay maaaring makakuha ng loan para sa socialized housing units. Ito ay may subsidized na 3% annual interest rate para sa unang limang taon, na maaaring palawigin ng lima pang taon para sa mga kwali­pikadong nanghihiram.

Dahil sa mas mababang interes, ang buwanang bayad ay nagkakahalaga na lamang ng P4,005 para sa mga house-and-lot na hanggang P950,000 ang presyo, at humi­git-kumulang P8,432 naman pa­ra sa mga condominium unit na hanggang P2 milyon. Kasama rin dito ang mga Pag-IBIG Fund Acquired Assets na pasok sa price ceiling ng socialized hou­sing. Sa pama­magitan ng Early Bird Promo, ang unang 30,000 kwalipikadong nanghihiram ay ­ma­sisiyahan sa 3% rate sa loob ng unang 10 taon ng kanilang loan.

Nag-aalok din ang Pag-IBIG Fund ng 4.5% promotional rate para sa mga kwalipikadong lokal na miyembro at lahat ng OFWs na first-time homebuyers’ para sa mga loan na hanggang P1.8 milyon. Sa ilalim ng alok na ito, ang P1.8 milyong loan na babayaran sa loob ng 30 taon ay may buwanang hulog na P9,120.34, kumpara sa P11,082.91 kung gagamitin ang regular na 6.25% rate. Dahil dito, makakatipid ang miyembro ng halos P2,000 kada buwan, o kabuuang P71,000 sa loob ng unang tatlong taon.

Ang loan na ito ay maaaring gamitin sa pagbili ng bahay at lupa, lupang residensyal, pagpapatayo o pagtatapos ng bahay, pagpapaayos ng bahay, o pag­bili ng Pag-IBIG Fund Acquired Asset.

Para naman sa mga miyem­brong nais magpaayos ng ka­ni­lang kasalukuyang tirahan, na­ri­to ang Pag-IBIG Home Improvement Loan. Maaaring humiram ang mga kwalipikadong miyembro ng hanggang P300,000 para sa kumpuni o upgrade ng bahay, na babayaran sa loob ng limang taon. Ayon sa ahensya, mas madali na ang pag-apply dahil sa pinasimpleng requirements at kakaunting dokumento.

Ang loan na ito ay kasaluku­yang iniaalok sa promotional ra­te na 3% kada taon para sa unang 10,000 nanghihiram.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here