Home NATIONWIDE 1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo

1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo

253
0

ILOCOS SUR-Isa ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan matapos magbangga ang dalawang motorsiklo sa Brgy. Pug-os, Cabugao ng lalawigang ito, Sabado ng gabi, Hunyo 28.

Ayon sa Cabugao MPS, ang nasawi ay ang 21-anyos na driver ng SYM motorcycle samantalang sugatan ang 18-anyos na babaeng estudyante na angkas nito, parehong residente ng Sinait, Ilocos Sur.

Sugatan din sa naturang insidente ang lalaking driver ng Honda Click 150 motorcycle na residente ng San Juan, Ilocos Sur.

Base sa imbestigasyon, ang SYM motorcycle ay bumibiyahe papuntang hilaga sa national highway sa naturang lugar samantalang papunta naman sa kasalungat na direksyon ang Honda Click 150 motorcycle.

Pagdating sa lugar na pinangyarihan ng insidente, umagaw ng linya ang Honda Click 150 motorcycle at bumangga sa SYM motorcycle.

Resulta nito, ang tatlo ay parehong nagtamo ng head injury.

Ang driver ng SYM motorcycle at angkas nito ay parehong isinugod sa Pira Clinic and Hospital.

Gayunman, ang driver ng SYM motorcycle ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Isinugod naman sa Suero General Hospital ang driver ng Honda Click 150 motorcycle na agad rin inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac City, Ilocos Norte. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here