Home NATIONWIDE PBBM kay Alex Eala: Tuloy ang laban

PBBM kay Alex Eala: Tuloy ang laban

MANILA, Philippines – “Tuloy ang laban, Alex!

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bahagi ng kanyang ‘words of ecouragement” kay tennis star Alex Eala matapos na mabigong masungkit ang kampeonato sa WTA 250 Eastbourne Open makaraang talunin ng Australian tennis player na si Maya Joint sa iskor na 6-4, 1-6, 7-6 (10).

Sa kabila ng pagkatalo, siya naman ay naging first Filipino na umabot sa Women’s Tennis Association (WTA) 250 singles final.

“You’ve made us all proud! Keep going, your best is yet to come,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa social media post.

Sa ulat, ang 20-anyos na Pilipina ay nagtala ng makasaysayang tagumpay sa naturang kompetisyon bilang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Finals ng prestihiyosong tennis tournament.

Ito ang kauna-unahang Finals appearance ni Eala sa WTA Tour at hindi niya napigilang maiyak matapos ang laban.

Para sa Pangulo, ang pagkatalo ni Eala ay hindi tanda ng pagtatapos ng kanyang journey, kundi isang makapangyarihang marka kung ano ang naghihintay para sa kanya.

Sa kabilang dako, pinuri g Pangulo ang naging achievement ni Eala, tinawag niya itong isang ‘proud moment’ hindi lamang para sa kanya kundi para sa sambayanang Filipino.

“Tuloy ang laban, Alex!,” ayon sa Pangulo sabay sabing “We all watched you make history as the first Filipino to reach a WTA 250 singles final. That alone is already a victory for our country and for the millions of Filipinos who stand proudly behind you.”

Kinilala naman nito ang kahalagahan ng laban ni Eala sa global tennis stage.

Samantala, sa kabila ng pagkatalo, magpapatuloy ang laro ni Eala habang siya’y naghahanda para sa pagbubukas ng kanyang kampanya sa Wimbledon laban sa defending champion na si Barbora Krejcikova. Kris Jose