Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa sunog sa Pasig

1 patay, 2 sugatan sa sunog sa Pasig

MANILA, Philippines – Patay ang isang indibidwal habang dalawa ang sugatan sa sunog na naganap sa residential area sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City nitong Linggo ng madaling araw, Disyembre 15.

Sa ulat, sinabi ng Bureau of Fire Protection na sumiklab ang sunog 3:47 ng madaling araw sa Acacia Street. Inaalam pa nila ang sanhi ng sunog.

Narekober ang bangkay ng nasawi na isang lalaki, mula sa loob ng natupok nitong Bahay bandang alas-8 ng umaga.

Nasa 30 tirahan at establisyimento ang nadamay sa sunog.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula 6:03 ng umaga. RNT/JGC