Home METRO 8 tirahan wasak sa umangat sa lupa sa Quezon

8 tirahan wasak sa umangat sa lupa sa Quezon

MANILA, Philippines – Nasira ang walong tirahan matapos na umangat ang lupang kinatitirikan ng mga ito sa Barangay Matinik sa Lopez, Quezon nitong Sabado ng gabi, Disyembre 14.

Naapektuhan din nito ang riles ng tren maging ang kalsada sa ilang bahagi ng bayan.

Ayon sa mga residente, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ang insidente sa kanilang lugar.

Lumikas muna ang nasa 35 pamilya at ngayon ay tumutuloy sa barangay hall.

Humingi na ang mga ito ng tulong sa pamahalaan, particular na upang alamin ang sanhi ng insidente. RNT/JGC