Home NATIONWIDE Nasabat na mackerel imports ginawang Pamasko sa Tondo

Nasabat na mackerel imports ginawang Pamasko sa Tondo

MANILA, Philippines – Ipinamigay bilang Pamasko ang mga nasabat na mackerel imports sa mga residente ng Tondo, Maynila.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado, Disyembre 14 ang distribusyon ng Christmas food giveaways hindi lamang kasama ang karaniwang “noche buena” package kundi maging ang tone-toneladang frozen mackerel.

Ang mga ito ay mula sa malaking import shipment na naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa pinakahuling anti-smuggling operation.

Sinabi ng Palasyo na nasa kabuuang 28,000 kilo ng mackerel ang ipinamahagi sa 21,000 pamilya sa Baseco Compound, Tondo.

Ang 28,000 kilo ay bahagi ng mackerel imports na nagkakahalaga ng P178.5 million na dumating sa 21 cargo containers sa Manila International Container Port (MICP).

May kabuuang 588,000 kilo ang naharang noong Oktubre.

Sa maikling pahayag sa Baseco, sinabi ng Pangulo na ang mga kargamento ay gagamiting ebidensya sa kauna-unahang kaso na ihahain sa ilalim ng Republic Act No. 12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na pinirmahang maging batas noong Setyembre 26.

Inutusan niya ang BOC, Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya ng pamahalaan na magtulungan at palakasin ang crackdown sa agricultural smuggling. Sa bagong pirmang batas ay klasipikado na ito bilang economic sabotage.

“I hope this is the first of many operations because this is very, very important. We have to control and supervise our food supply. If these crimes continue, we will be unable to do that. That’s why we enacted the law.” RNT/JGC