Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa suwagan ng dalawang motorsiklo

1 patay, 2 sugatan sa suwagan ng dalawang motorsiklo

ILOCOS NORTE- Patay ang 43-anyos na lalaking nagmamaneho ng Honda Click 150 motorcycle samantalang sugatan ang angkas nito matapos bumangga ang kanilang sa sasakyan sa nakasalubong na Euro motorcycle sa national highway sa Brgy. Napu, Badoc ng lalawigang ito kahapon, Nobyembre 11.

Maging ang driver ng Euro motorcycle ay sugatan din sa naturang insidente.

Ayon sa mga otoridad, ang driver ng Honda Click 150 motorcycle ay residente ng Caloocan City samantalang angkas nitong 37-anyos na lalaki ay residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ang 21-anyos na lalaki na driver ng Euro motorcycle ay residente naman ng Badoc, Ilocos Norte.

Nabatid na habang bumibiyahe ang Honda Click papuntang hilaga ay hindi nito napansin ang kulay red na Mitsubishi Strada na kakaliwa sana.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver ng Honda Click hanggang sa masakop o mapunta ito sa kabilang lane at bumangga sa nakasalubong na Euro motorcycle.

Pare-parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga naturang indibidwal na agad na isinugod sa ospital ng mga rumespondeng personnel ng Badoc MPS.

Gayunman, ang driver ng Honda Click ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso