Home NATIONWIDE PBBM sa relasyon sa US sa liderato ni Trump: I don’t think...

PBBM sa relasyon sa US sa liderato ni Trump: I don’t think it will change

MANILA, Philippines – “I don’t think it will change.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang tanungin ukol sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Donald Trump.

“That hasn’t changed… I will have to see if there’s a major change,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing ang Washington ang ‘oldest treaty partner’ ng Maynila.

Sa katunayan, looking forward si Pangulong Marcos na magkakaroon sila ng pagkakataong magkatrabaho ni Trump, lalo na sa pagtugon daw ng mahahalagang isyung matagal ng itinataguyod ng samahan ng Pilipinas at Amerika.

Nauna rito, nagpaabot nang kanyang pagbati si Pangulong Marcos sa pagkapanalo ni Trump.

“President Trump has won, and the American people triumphed, and I congratulate them for their victory in an exercise which showed the world the strength of American values,” ang pagbati ni Pangulong Marcos.

Tinanggap naman aniya ni Trump ang pagbati ni Marcos sa pamamagitan ng pasasalamat.

Ayon pa kay Romualdez, sa ngayon ay hindi pa tiyak kung mag-iimbita ng ibang lider ng mga bansa ang transition team ni Trump para sa kanyang inagurasyon.

Kinilala ni United States President-elect Donald Trump ang mensahe ng pagbati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagkakapanalo sa kakatapos lang na halalan.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines Jose Manuel Romualdez na sa pamamagitan ng SMS ay binati ni Marcos si Trump.

Samantala, si Trump, 78, ay muling nanalo sa White House noong Miyerkules matapos makuha ang higit sa 270 Electoral College votes na kailangan para manalo sa pagka-pangulo. Kris Jose