Home NATIONWIDE 1 patay, 3 sugatan sa sword attack sa paaralan sa Sweden

1 patay, 3 sugatan sa sword attack sa paaralan sa Sweden

1
0

SWEDEN – Isang 18-anyos na lalaki na armado ng espada ang umatake sa isang paaralan sa Fagersta, central Sweden noong Biyernes, Agosto 21, na ikinasawi ng isang tao at ikinasugat ng tatlo, kabilang ang dalawang menor de edad.

Ayon kay Police Chief Tommy Alriksson, naaresto ang suspek sa sword attack sa Brinell School, habang may klase at tinatayang nasa 400 hanggang 500 estudyante ang naroon.

Nagpaputok ng baril ang mga pulis habang inaaresto ang suspek.

Hindi pa malinaw kung nasugatan ang suspek, ngunit nananatili siyang nakapiit at hindi dinala sa ospital.

Ayon sa mga awtoridad, nasa edad 12 hanggang 17 ang dalawang batang lalaki na malubhang nasugatan. Hindi naman agad ibinunyag ang pagkakakilanlan ng nasawi.

Sinabi ng pulisya na wala pa silang nakikitang indikasyon na higit sa isang suspek ang sangkot sa pag-atake. Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen.

Dalawang bahay na rin ang hinalughog ng mga imbestigador habang inaasahang maraming saksi ang kanilang tatanungin.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Swedish Prime Minister Ulf Kristersson sa mga biktima at kanilang pamilya.

“We do not yet know what lies behind the act, but we know that the police are working very intensively,” ani Kristersson.

Nagtayo rin ang lokal na pamahalaan ng Fagersta ng crisis center sa isang sports hall malapit sa paaralan upang tulungan ang mga naapektuhan ng insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here