Home HOME BANNER STORY 1 patay, 30 sugatan sa matinding turbulence ng London-SG flight

1 patay, 30 sugatan sa matinding turbulence ng London-SG flight

SINGAPORE – Patay ang isang pasahero habang sugatan ang 30 iba pa makaraang makaranas ng severe turbulence habang nasa himpapawid ang Singapore Airlines (SIA) flight mula London patungong Singapore.

Sa Facebook post nitong Mayo 21, sinabi ng SIA na nag-divert sa Bangkok ang eroplano at lumapag 3:45 ng hapon.

Iniulat ng ilang media outlets sa Thailand na nasa 30 pasahero ang nasaktan.

Idinagdag pa ng airline na ang Boeing 777-300ER aircraft ay may sakay na 211 pasahero at 18 crew.

“Singapore Airlines offers its deepest condolences to the family of the deceased,” sinabi ng pamunuan ng SIA.

Nakahanda namang tumulong ang airlines sa lahat ng mga pasahero at crew na sakay ng eroplano kasabay ng pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa Thailand para magbigay ng kinakailangang atensyong medikal. RNT/JGC