MANILA, Philippines – Isa ang patay habang nakaligtas ang apat na iba pa matapos hagupitin ng malalaking alon ang kanilang motorbanca sa Lamon Bay sa Mauban, Quezon.
Ayon sa mga awtoridad, sakay ng motorbanca ang limang pasahero nang umalis sa Sto. Nino nang hampasin ng malaking alon sa gitna ng pagbuhos ng ulan at lumubog malapit sa barangay Sta. Lucia.
Sa ulat, kabilang sa mga pasahero ang isang mag-asawa at kambal nilang anak na isang taong gulang at limang buwang gulang kung saan pinilit nilang lumangoy hanggang makarating sa pampang at kalaunan ay narescue at dinala sa malapit na hospital para magamot.
Sa kasamaang palad, isa pang pasahero ang tinangay sa mas malalim na bahagi ng dagat at nalunod.
Narekober ang kanyang labi sa kalagitnaan ng gabi noong Sabado sa katubigan sakop ng Barangay Rosario.
Lahat ng biktima ay residente ng Barangay Palale sa Tayabas City, Quezon. Jocelyn Tabangcura-Domenden