Home NATIONWIDE Talamak na vote buying, selling sa online banking pinababantayan ng BSP

Talamak na vote buying, selling sa online banking pinababantayan ng BSP

MANILA, Philippines – Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga financial institution na paigtingin pa ang pagmamatyag sa pamimili at pagbebenta ng boto gamit ang onling banking.

Kasabay nito, hinimok ng BSP ang publiko na isumbong sa Philippine National Police o sa National Bureau of Investigation ang anumang mamomonitor nilang election violations ngayong nalalapit na ang halalan 2025.

Ang kautusan ng BSP ay upang maiwasan na rin na magamit ang online banking at mobile wallet applications para sa vote-buying at vote selling.

Pinababantayan din ng BSP ang mga kahina-hinalang biglang dami ng account registrations sa mga lugar na kilalang talamak ang vote buying at ang mga malalaking transaksyon ngayong election period.

Gayundin sa mga malalaking halagang ipinapa-cash in at cash-out ay pinamamatyagan din ng BSP.

Tugon ito ng BSP sa hiling ng Comelec na magpatupad ng mas mahigpit na mekanismo laban sa pamimili at pagbebenta ng boto. Jocelyn Tabangcura-Domenden