Home METRO 1 patay, 4 sugatan sa sunog sa Caloocan; higit 70 pamilya apektado

1 patay, 4 sugatan sa sunog sa Caloocan; higit 70 pamilya apektado

169
0
(Image Representation Only)

CALOOCAN CITY – Isang 16-anyos na dalagita ang nasawi habang apat ang nasugatan, kabilang ang isang bumbero, sa sunog na tumupok sa isang residential area sa Barangay 81, Caloocan City nitong Mayo 14.

Ayon sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa isang bahay sa lugar. Inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad ay nagpapakitang maling electrical wiring ang posibleng sanhi ng insidente.

Hindi na nakalabas ang biktimang dalagita sa nasusunog na bahay at idineklarang dead on the spot. Agad namang naisugod sa ospital ang apat na iba pa upang malapatan ng lunas.

Aabot sa 70 pamilya ang apektado sa sunog, na nagresulta sa malawakang pinsala sa kabuhayan at ari-arian ng mga residente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang tiyak na pinagmulan ng sunog at mapanagot ang posibleng may pananagutan. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here