Home IN PHOTOS P20 Rice Project ng DA sa Navotas

P20 Rice Project ng DA sa Navotas

NAVOTAS CITY – Nagpahayag ng buong suporta si Mayor John Rey Tiangco sa programang P20 Rice Project ng Department of Agriculture (DA), na naglalayong bigyan ang mga residente ng lungsod ng access sa dekalidad na bigas sa halagang P20.00 kada kilo.

Kasunod ito ng opisyal na paglulunsad ng proyekto sa Navotas, kung saan ang bigas ay ibinibigay sa mas abot-kayang halaga upang matulungan ang mga mamamayan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ang P20 Rice Project ay ipinatutupad ng DA sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), katuwang ang mga lokal na pamahalaan tulad ng Navotas upang masigurong maiparating ang programang ito sa mga benepisyaryo.

Sa pahayag ni Mayor Tiangco, tiniyak niya ang suporta ng lokal na pamahalaan upang mapalawak at mapatatag ang programang makatutulong sa mga Navoteño. Jojo Rabulan