MANILA, Philippines – Isang Chinese national ang nasawi matapos tumaob ang isang barkong Tsino sa karagatang sakop ng Rizal, Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa ospital.
Ang barko, na hindi pa pinapangalanan, ay kargado ng buhangin at naghahanda sanang maglayag bandang 4:30 PM nang bigla itong tumagilid at tuluyang tumaob.
May kabuuang 23 tripulanteng Pilipino at Tsino ang sakay ng barko. Sa ngayon, anim na Pilipino at pitong Tsino na ang nailigtas.
Patuloy ang search and rescue operations para sa siyam pang nawawalang crew. Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente. RNT