Home NATIONWIDE 50°C damang-init sa Los Baños, Laguna ibinabala

50°C damang-init sa Los Baños, Laguna ibinabala

Inaasahan ng PAGASA na aabot sa 50°C ang heat index sa NAS-UPLB, Los Baños, Laguna ngayong Miyerkules, Abril 16. Umabot na rin ito sa parehong antas noong Martes.

Ayon sa 5 PM bulletin ng PAGASA, kabilang ang Los Baños sa 18 lugar na nasa “danger level” ng heat index. Sa ganitong antas, mataas ang posibilidad ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke.

Samantala, 47°C ang inaasahan sa San Ildefonso, Bulacan, at 44°C naman sa mga sumusunod:

Hacienda Luisita, Tarlac City

Sangley Point, Cavite City

Ambulong, Tanauan, Batangas

May posibilidad din ng 43°C sa:

ISU Echague, Isabela

Baler, Aurora

Catarman, Northern Samar

At hanggang 42°C sa:

NAIA, Pasay City

Tuguegarao City, Cagayan

Iba, Zambales

Clark Airport, Pampanga

Coron, Palawan

San Jose, Occidental Mindoro

Pili, Camarines Sur

Roxas City at Iloilo City, Iloilo

Dumangas, Iloilo

Paalala naman ng PAGASA na umiwas sa matagal na exposure sa araw, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng preskong damit upang makaiwas sa heat-related illnesses. Santi Celario