Home NATIONWIDE Mga mananaya bokya sa P71-M lotto jackpots

Mga mananaya bokya sa P71-M lotto jackpots

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa mga major lotto jackpot noong Abril 15, 2025, ayon sa PCSO.

Umabot na sa P49.5 milyon ang premyo ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa winning numbers na 27-13-07-14-33-03.

Hindi rin napanalunan ang P15.84 milyon sa Super Lotto 6/49 na may kombinasyong 36-34-22-01-33-37.

Wala ring tumama sa Lotto 6/42 jackpot na P5.94 milyon, na may numerong 24-06-29-41-01-07.

Samantala, isang 23-anyos na babae mula Quezon City ang nanalo ng P100.89 milyon sa Lotto 6/42 draw noong Marso 18, 2025, ayon sa PCSO.

Nagkakahalaga lamang ng P60 ang itinaya ng dalaga gamit ang kanyang mga paboritong numero, na naging daan sa pagbabago ng kanilang buhay.

Ayon sa PCSO, dumaan sa matinding pagsubok ang pamilya ng babae matapos malugi ang kanilang negosyo at mabaon sa utang.

Kaya nang tanungin kung ano ang unang gagawin niya sa napanalunan, ang sagot niya: Pambayad po ng utang.

Dagdag pa niya, ang premyo ay makatutulong upang muling makabangon ang kanilang pamilya.

Ang winning combination ay: 19 – 2 – 21 – 13 – 16 – 22. RNT