Home NATIONWIDE 1 patay sa rambulan sa lamay sa Malabon

1 patay sa rambulan sa lamay sa Malabon

MANILA, Philippines – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 22 anyos binata makaraang masawi matapos kuyugin ng mga residente sa loob ng isang compound sa Malabon City.

Ang biktimang nakilala sa alyas na Christian residente ng Maysilo ng nasabi ring lungsod ay wala ng buhay ng idating sa pagamutan sanhi ng mga tinamong pinsala sa ibat ibang bahagi ng katawan bunga ng pambubugbog, pananaksak at paghampas ng bato sa kanyang ulo.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang isang 25 anyos na kasama ng nasawi.

Agad namang naaresto ng awtoridad
ang lima sa hindi pa mabatid na dami ng bilang na mga suspek na kinabibilangan ng ilang kababaihan na kasalukuyan pa ring tinutugis ng mga awtoridad.

Nabatid na ang insidente ay naganap sa loob ng Jacobe compound, Mh del pilar st., barangay Maysilo.

Base sa kuha ng cctv pumasok sa loob ng nasabing compound ang grupo ng kalalakihan kabilang ang mga biktima at kinompronta ang isang lalaki sa hindi pa mabatid na dahilan.

Bigla na lamang nagkagulo ang mga ito ng maglabasan ang mga suspek.

Dahil sa dami ng mga sumugod ay nagtakbuhan ang mga kasama ng mga biktima palabas ng compund.

Dito lalong nakuyog ang nasawi kung saan ito brutal na nasawi.

Patuloy na iniimbestogahan ng pulisya ang nasabing insidente. Rene Manahan