Home METRO 1 patay sa sunog sa residential area sa Marikina

1 patay sa sunog sa residential area sa Marikina

310
0

MARIKINA, Philippines – Patay ang isang 50-anyos na lalaki sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Marikina City bago mag-umaga ngayong Sabado.

Nagsimula ang sunog alas-2:03 ng madaling araw sa isang compound sa Road 3 sa Barangay Tañong. Dahil gawa sa light materials ang kabahayan ay mabilis itong kumalat.

Lumalabas sa inisyal na impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagawang ilabas ng biktima ang kanyang mga apo sa kanilang bahay. Gayunpaman, bumalik siya para kunin ang kanyang pasaporte at mahahalagang gamit ngunit hindi na siya nakalabas.

Idineklara ang fire out dakong 2:56 a.m. Sinabi ng BFP na 26 na indibidwal ang naapektuhan at isang babae ang nasugatan.

Ayon sa BFP, anim na bahay ang napinsala ng sunog at tinatayang nasa P350,000 ang halaga ng pinsala sa istruktura.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog, sabi ng BFP. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here