MANILA, Philippines – Patay ang 43-anyos na lalaki nang tumagilid ang trak at madaganan ito.
Ang insidente ay nangyari sa Barangay Muñoz, Siayan, Zamboanga del Norte, nitong Biyernes, Mayo 30.
Ayon sa pulisya, bumibiyahe ang trak karga ang mga bote ng soft drinks sa Salug, Zamboanga del Norte mula Cagayan de Oro City nang sumabog ang harapang gulong nito.
Nawalan ng kontrol ang drayber ng truck at nagsimulang tumagilid.
Sinubukang tumalon ng biktima na nasa likod ng truck ngunit nadaganan ito.
Nakaligtas naman ang 30-anyos na drayber.
“‘Yung pahinante niya, na-trap doon sa sasakyan. Ang sabi ng driver, tumalon daw yung pahinante, pagkatapos, pagtalon niya, natumba yung sasakyan, kaya naipit siya ng truck nila,” ani PCMS Ranfil Montañez, investigator ng Siayan Municipal Police Station. RNT/JGC