Home METRO P340K tobats nasabat sa HVI sa Taguig drug ops

P340K tobats nasabat sa HVI sa Taguig drug ops

166
0

MANILA, Philippines – Sa ikinasang buy-bust operation ay arestado ang isang high value individual (HVI) ng mga operatiba ng Southern Police District-Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) na nakumpiskahan ng P340,000 halaga ng shabu Biyernes ng gabi, Mayo 30.

Sa report na natanggap ni SPD director P/Brig. Gen. Joseph Arguelles ay nakilala ang inarestong suspek na si alyas Fin, 37, rider ng isang ride-hailing company, at residente ng Lower Bocutan, Taguig City.

Ayon kay Arguelles, nangyari ang pagdakip kay alyas Fin bandang alas 8:50 ng gabi sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Sinabi ni Arguelles na sa pangunguna ng DDEU at sa pakikipagkoordinasyon sa District Intelligence Division (DID) at Sub-Station 1 ng Taguig City police ay inilunsad ang buy-bust operation sa kahabaan ng Lawton Avenue sa harap ng Barangay Fort Bonifacio Sports Complex, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Napag-alaman sa DDEU na isinailalim sa surveillance operation ang suspek matapos silang makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal na aktibidad nito sa nabanggit na lugar na nagresulta ng kanyang agarang pagkakaaresto.

Narekober sa posesyon ng suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, ang kanyang itim na motorsiklong Suzuki Smash (plate number 723NXF), isang itim na analog Samsung cellphone, at ang marked buy-bust money na ginamit sa naturang operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng SPD-DDEU.

“This operation highlights our relentless fight against illegal drugs. We will continue to pursue individuals who threaten the peace and safety of our communities,” ani Arguelles. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here