Home HOME BANNER STORY 1 Pinoy kabilang sa daan-daang nawawala sa flash flood sa Nepal

1 Pinoy kabilang sa daan-daang nawawala sa flash flood sa Nepal

1
0

KATHMANDU, Nepal – Isang biyaherong Pilipino ang kabilang sa naiulat na nawawala matapos ang malakas na flash flood sa mga ilog ng Bhotekoshi at Trishuli sa Nepal noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Nepal Tourism Board, umabot sa 644 ang naiulat na nawawalang biyahero sa naapektuhang lugar, kabilang ang isang Pilipino. Bago ito, inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro, batay sa Department of Foreign Affairs, na walang naitalang kaswalidad na Pilipino nitong Huwebes ng umaga.

Patuloy pang kinukumpirma at tinitiyak ng mga awtoridad sa Nepal ang mga detalye tungkol sa nawawalang Pilipino.

Inihayag ng Nepal Tourism Board sa isang pahayag: “Following the devastating flash flood… Ministry of Culture, Tourism and Civil Aviation Government of Nepal, Nepal Tourism Board, Tourist Police and tourism stakeholders are working to verify the whereabouts and safety status of tourists or travelers who were at or travelling through the affected areas.”

Pumatay ng hindi bababa sa 165 katao ang nasabing flash flood at nagdulot ng malaking pinsala sa apat na naapektuhang distrito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here