Home NATIONWIDE Sen. Legarda, naka-medical leave dahil sa seryosong sakit – SP Gatchalian

Sen. Legarda, naka-medical leave dahil sa seryosong sakit – SP Gatchalian

1
0

MANILA, Philippines – Naka-medical leave pa rin si Senator Loren Legarda dahil sa isang seryosong karamdaman, ayon kay Senate President Win Gatchalian nitong Huwebes.

Ayon kay Gatchalian, personal ang usapin ngunit matagal na niyang alam ang kondisyon ni Legarda bilang magkaibigan.

“It’s a very personal issue… Nasabi niya yun na meron siyang sakit na seryoso,” aniya.

Umalis patungong Pransya si Legarda noong Agosto 2 at pinalawig ang kanyang bakasyon hanggang Setyembre 2. Kasabay nito, iniimbestigahan siya at ang kanyang anak na si Rep. Leandro Leviste ng Office of the Ombudsman ukol sa P10-bilyong reklamo ng plunder at graft kaugnay ng solar power firm ng huli.

Nilinaw ni Gatchalian na hindi tumatanggap ng sweldo si Legarda habang naka-leave: “Nung nag-file siya ng medical leave, hindi na niya tinanggap ang sweldo niya.” Idinagdag din niya na walang sweldong natatanggap ang mga nakakulong na senador at si Sen. Ronald dela Rosa na kasalukuyang nagtatago.

Hindi pa tiyak kung kailan babalik sa Senado si Legarda, habang patuloy naman ang paghawak ng Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, mga panukalang batas, at ang talakayan para sa pambansang badyet.

Inihayag ni Gatchalian na ang mga hindi naisweldong pondo ay maaaring ideklara ng Senado bilang savings.

“Pupunta yan sa hindi nagagastos. The Senate can declare it as savings and use it for something else.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here