Home METRO 1 sa 5 suspek sa pagnanakaw sa Koreano sa Kyusi, arestado

1 sa 5 suspek sa pagnanakaw sa Koreano sa Kyusi, arestado

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isa sa limang suspek sa pagnanakaw sa isang Korean national sa Quezon City, habang patuloy ang manhunt sa kanyang mga kasamahan, kabilang ang isang babaeng menor de edad.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), ang 43-anyos na biktima ay ninakawan noong Hunyo 5 sa Barangay Sacred Heart ng isang grupo na binubuo ng isang menor de edad na babae at apat na lalaking kasamahan. Tinangka umano ng grupo na harangin at takutin ang biktima bago kunin ang kanyang mga gamit.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon at follow-up operation ang pulisya. Sa tulong ng isang confidential informant, natunton ang mga suspek sa Barangay 197, Pasay City, kung saan nakumpirma sa CCTV ang kanilang pagkakakilanlan.

Noong Hunyo 7, naaresto ang isa sa mga suspek na kinilalang si alias “Usok,” 20 anyos, sa Mini Plaza Basketball Court bandang 8 p.m.

Narekober mula sa kanya ang dalawang Yamaha Mio Sporty na motorsiklo, isang Vivo cellphone, ₱7,000 na cash, at polo shirt na pagmamay-ari ng biktima.

Kakasuhan ng robbery ang naarestong suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office, habang nagpapatuloy ang operasyon laban sa iba pang suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here