Home METRO 1 sugatan, bagong tayong gusali wasak sa sumabog na granada sa Basilan

1 sugatan, bagong tayong gusali wasak sa sumabog na granada sa Basilan

144
0

BASILAN, Philippines – Nabasag ang glass wall ng bagong tayong gusali ng isang fast food chain sa Barangay Malakas matapos tamaan ng pagsabog ng granada noong Martes ng gabi, apat na araw bago ang nakatakdang grand opening nito.

Ayon kay Lt. Col. Elmer Solon, hepe ng pulisya ng Lamitan City, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen bandang 7:30 p.m. kaugnay ng insidente.

Batay sa imbestigasyon, nawasak ang kaliwang bahagi ng glass panels ng establisimyento at may bakas ng shrapnel ang konkretong pader.

Ang nag-iisang nasugatan na si Rebel Antalas Masulog, residente ng Barangay Cabaluran sa Midsalip, ay nagtamo ng minor injuries.

Sinabi ng security guard na naka-duty sa harap ng gusali na nakarinig siya ng malakas na pagsabog mga 10 metro ang layo mula sa kanyang puwesto ngunit wala siyang nakitang suspek.

Nagsasagawa na ng dragnet operation ang pulisya sa buong lungsod at nire-review ang mga kuha ng CCTV sa lugar at karatig na bahagi ng siyudad upang matukoy ang mga responsable sa pangyayari.

Naka-alerto rin ang mga kalapit na istasyon ng pulisya habang nagpapatuloy ang hot pursuit operations.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa likod ng insidente. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here