MANILA, Philippines- Sugatan ang isang indibidwal nang masunog ang isang kilalang Korean BBQ restaurant chain sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig nitong Feb. 15.
Iniulat ng Taguig City Fire Station ang sunog na tumama sa Samgyupsalamat restaurant sa unang palapag ng One Park Drive sa corner ng 9th Avenue at 11th Drive sa BGC, Barangay Fort Bonifacio dakong alas-9:51 ng gabi,
Itinaas ang sunog sa first alarm ng alas-9:58 ng gabi bago maapula ang sunog ng alas-10:27 ng gabi.
Kinilala ang sugatan na si Jullian Han Nieva, 18, na nagtamo ng puncture wound sa kanyang kanang paa. Dinala siya sa Taguig–Pateros District Hospital para gamutin.
Nagsimula ang sunog sa dining area subalit iniimbestigahan pa ang mitsa nito, dagdag ng fire station. Umabot ang pinsala sa P250,000.
May kabuuang 23 fire trucks, isang collapsed structure search and rescue truck, at limang ambulansya ang rumesponde sa insidente. RNT/SA