Home METRO 5 magkakapamilya todas sa salpukan ng motor, trak

5 magkakapamilya todas sa salpukan ng motor, trak

MANILA, Philippines- Patay ang limang miyembro ng isang pamilya sa banggaan sa Barangay Gimangpang, Initao, Misamis Oriental nitong Biyernes ng hapon.

Base sa imbestigasyon, ang mga biktima– isang lalaki, kanyang asawa, at kanilang tatlong anak– ay pauwi na sa Iligan City mula sa isang okasyon sa Alubijid, Misamis Oriental nang tangkain ng motorsiklo nilang mag-overtake at mabangga sa isang Isuzu wing van truck patungong Cagayan de Oro City.

Tumigil ang truck at nasapul ng Honda Civic mula sa Tubod, Iligan City mula sa likod.

Dinala ang mga biktima sa ospital kung saan sila idineklarang patay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis ang truck driver at nahaharap sa kaukulang kaso. RNT/SA