Home METRO 1 sugatan sa pamamaril malapit sa polling precinct sa Abra

1 sugatan sa pamamaril malapit sa polling precinct sa Abra

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang indibidwal sa nangyaring pamamaril malapit sa isang polling precinct sa Barangay Sagap, Bangued, Abra nitong Lunes ng umaga, Mayo 12.

Sa video na kumalat sa Facebook, maririnig ang sunod-sunod na putok ng baril at mga nagsisigawan sa isang pampublikong paaralan kung saan matatagpuan ang ilang polling precincts bandang alas-9 ng umaga.

Wala pang inilalabas na impormasyon ang mga awtoridad at nagpapatuloy din ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC