Home NATIONWIDE 11 arestado sa paglabag sa liquor ban sa Batangas

11 arestado sa paglabag sa liquor ban sa Batangas

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad sa Batangas ang nasa 11 indibidwal nitong Linggo at Lunes, Mayo 12, dahil sa umano’y paglabag sa liquor ban na ipinatutupad dahil sa halalan.

Ayon sa Region 4A, nakatanggap ng report ang mga pulis sa Taal, madaling araw ng Lunes, sa isang grupong nag-iinuman sa Barangay Cawit.

Sa pagresponde ng pulisya ay naabutan nito ang pitong indibidwal na kinilalang sina Angelo, Bryan, Jake, Syawi, Jay, Mandy, at Antonio. Naaktuhan ang mga ito na umiinom ng gin sa garahe.

Sa Lipa City naman ay nahuli ng mga awtoridad ang apat na lalaki na sina Jhay, Marrion, Lance, at Jonel, na nag-iinuman sa gilid ng kalsada sa Barangay Marawoy.

Sa hiwalay na insidente, huli din ang isang lalaki na kinilala sa pangalang “Michael” ala-1 ng madaling araw matapos na iulat ng isang medical staff ng isang ospital na nakainom ito. Ginagamot si Michaelmatapos na masangkot sa aksidente.

Samantala, inaresto ng mga tanod ang isang lalaki sa Balayan, na kinilalang si Allan dahil sa pag-inom sa gilid ng kalsada sa Barangay Caloocan, 10:40 ng gabi nitong Linggo.

Kalaunan ay itinurn-over ito sa pulisya.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad at nahaharap sa reklamong paglabag na may kinalaman sa election liquor ban. RNT/JGC