Home NATIONWIDE 3,698 pulis sa BARMM, nakaabang sa pagiging special electoral boards – PNP

3,698 pulis sa BARMM, nakaabang sa pagiging special electoral boards – PNP

MANILA, Philippines – Naka-standby ang kabuuang 3,698 pulis para maglingkod bilang special electoral boards (SEBs) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa halalan ngayong Lunes, Mayo 12.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo told, hindi pa makapagbigay ng impormasyon ang Police Regional Office (PRO) sa BARMM kung ilan sa mga ito ang nasa official duty na bilang SEBs.

Ang mga pulis na ito ay sinanay para magsilbing SEBs sa mga lugar kung saan hindi makakapaglingkod ang mga guro at iba pang poll workers.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief operations Police Major Anthony France Ramos na mayroon namang 182,000 tauhan ang ipinadala para magpanatili ng seguridad sa lugar.

Bukod dito, may kabuuang 37,817 personnel naman mula sa iba pang law enforcement agencies ang itinalaga.

Ani Ramos, kontrolado ng PNP ang sitwasyon sa kabila ng mga iniulat na delay sa operasyon sa ilang polling precincts at karahasan sa mga rehiyon. RNT/JGC