MANILA, Philippines – Sinabi ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) nitong Lunes, Mayo 12, na normal ang takbo ng power grid ng bansa ngayong araw ng Halalan.
Sa situation update nitong alas-11 ng umaga ng Lunes, sinabi ng NGCP na “its transmission lines and facilities are under normal operations.”
Sinuspinde ng grid operator ang lahat ng maintenance activities bago ang halalan upang masiguro ang uninterrupted at reliable transmission sa pagsasagawa ng botohan, maging sa canvassing at pagdedeklara ng mga nanalo.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na may sapat na suplay ng kuryente sa buong tag-init at maging sa araw ng halalan.
Siniguro rin ng National Electrification Administration (NEA) ang publiko na ang Philippine energy sector ay handa at mayroong stable at sapat na suplay ng kuryente ngayong eleksyon. RNT/JGC