MANILA, Philippines – Patay ang 65-anyos na lolo ilang sandali matapos bumoto sa Oas, Albay nitong Lunes ng umaga, Mayo 12.
Kinilala ng pulisya ang botante na si Nestor Rensales, na bumagsak sa loob ng polling precinct sa Oas South Central School sa Barangay Ilaor Sur, 6:05 ng umaga, ayon kay Brig. Gen. Andre Perez Dizon, hepe ng Bicol Police Regional Office..
Agad naman na tumugon ang election medical staff para sa first aid bago ibinyahe patungong Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital sa Ligao, Albay ngunit idineklarang dead on arrival.
Sinabi naman ng mga awtoridad na si Rensales ay may history ng stroke. RNT/JGC