Home NATIONWIDE Senatorial candidate ng Makabayan ‘di makaboto, walang pangalan sa listahan

Senatorial candidate ng Makabayan ‘di makaboto, walang pangalan sa listahan

MANILA, Philippines – Hindi nakaboto si Makabayan senatorial candidate Amirah “Mek” Ali Lidasan matapos na hindi makita ang pangalan nito sa listahan ng mga botante sa kanyang presinto sa Matanog, Maguindanao.

Sa lugar na ito umano huling bumoto si Lidasan noong 2022.

“Nakakabahala itong pangyayari sa lugar namin. Dapat ay makapagpaliwanag agad ang Comelec. Ang boto ko at bawat boto ng mamamayang Pilipino ay dapat na protektado at pinahahalagahan,” aniya.

Iniimbestigahan ng Koalisyong Makabayan ang insidente lalo pa’t ang iba rin umanong mga botante sa lugar ay may kaparehong isyu. RNT/JGC