MANILA, Philippines – Isang bakbakan laban sa mga umano’y lokal na terorista sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur ang ikinamatay ni Corporal Ryan Jun Bagual mula sa 90th Infantry Battalion at ikinasugat ng isa pang sundalo.
Ang mga tropa ng 90IB ay nagsagawa ng operasyon matapos makatanggap ng ulat na may balak na magsagawa ng karahasan ang mga hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG) sa Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother. Nangyari ang engkwentro bandang alas-8 ng umaga noong Enero 27, 2026.







