Home METRO 1 tigok sa landslide sa Cebu landfill; 30 nawawala pa rin

1 tigok sa landslide sa Cebu landfill; 30 nawawala pa rin

250
0
📷 Nestor Archival

CEBU CITY – Isang empleyado ang namatay matapos malibing nang buhay sa isang landslide sa pribadong landfill sa Cebu City, matapos na makulong sa loob ng bumagsak na staff building, ayon kay Councilor Joel Garganera.

Walo ang nailigtas at dinala sa ospital, habang patuloy ang rescue operations para sa 30 iba pa, kabilang ang mga empleyado at kontratista ng landfill.

Ayon kay Garganera, ang taas ng landfill—mga 10 palapag—ang posibleng naging sanhi ng landslide.

Sinabi naman ni Editha Peros, pinuno ng Cebu City Environment and Natural Resources, na kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.

Ipinahayag ng Prime Waste Solutions Cebu, operator ng pasilidad, ang pansamantalang pagsuspinde ng operasyon at ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno upang matulungan ang mga naapektuhan.

Humahanap ngayon ang Cebu City at kalapit na lokal na pamahalaan ng alternatibong paraan ng pagtatapon ng basura. Nakaiskedyul ang isang pulong sa Biyernes upang talakayin ang insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here