Home HOME BANNER STORY 8 mamahaling sasakyan na kinokonekta kay Zaldy Co, nasamsam ng awtoridad

8 mamahaling sasakyan na kinokonekta kay Zaldy Co, nasamsam ng awtoridad

230
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang hindi bababa sa walong luxury vehicles na umano’y pag-aari ni dating kongresista Zaldy Co sa isang condominium sa Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio, noong Huwebes.

Kasama sa joint operation ang Bureau of Customs (BOC), Highway Patrol Group (HPG), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Southern Police District, at Taguig City Police. Kabilang sa mga nasamsam na sasakyan ang Rolls-Royce, tatlong Cadillac Escalades, dalawang Lexus, isang Mercedes-Benz, at isang Toyota Sequoia, na umano’y itinago sa parking slots ng mga unit ng condominium.

Kasulukuyan pang tine-verify ng mga awtoridad ang pagmamay-ari ng mga sasakyan, na nakarehistro sa isang kumpanya na konektado kay Co.

Iniimbestigahan ang mga paglabag sa batas ukol sa hindi nabayarang buwis at unlawful importation. Mula sa 15 na sasakyang na-flag ng LTO, walong unit ang natagpuang may paglabag sa operasyon.

Sinabi ng Taguig City Police na minomonitor nila ang condominium mula pa noong Disyembre.

Ayon sa CIDG, ilan sa mga sasakyan ay dating hinahanap sa Region 5. Nagpatupad rin ng warrant sa isang penthouse na pinaniniwalaang pag-aari ni Co kaugnay ng hiwalay na imbestigasyon, ngunit walang naaresto.

Ang mga nasamsam na sasakyan ay inilagay sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) Compound sa ilalim ng seguridad ng Customs at Philippine Coast Guard.

Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa pagmamay-ari, posibleng Customs fraud, at iba pang kriminal na pananagutan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here