Home METRO 10-anyos patay sa sunog sa Pasay

10-anyos patay sa sunog sa Pasay

268
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 10-anyos na batang babae matapos ma-trap sa nasusunod nilang bahay sa Barangay 127, Pasay City.

Ayon sa ulat, nangyari ang sunog sa Mendoza Compound bandang alas-11 ng gabi.

Mabilis na iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog dahil sa dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga bahay.

Naapula naman ang sunog bandang 12:22 ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, wala sa kanilang tahanan ang ina nito na nagtitinda ng mga oras na iyon.

Samantala, pansamantalang tumutuloy sa Barangay 127 sa covered court ng Juan Sumulong Elementary School ang mga apektadong residente.

Nasa 70 pamilya o mahigit 400 indibidwal ang apektado ng sunog.

Inaalam pa kung saan nagsimula ang sunog at ang halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here