MANILA, Philippines – UPANG sundin ang suspension order nagbigay na ng sampung araw (10 days) na taning si DILG Secretary Jonvic Remulla upang sundin ng magpinsang Urdaneta City Mayor Julio ‘Rammy “ Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno upang sundin ng mga ito ang isang taong suspension order na iginawad sa kanila ng Malakanyang kaugnay ng kasong grave abuse of authority at grave misconduct na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong January 3, 2025.
Sa media interview, sinabi ni Secretary Remulla na sa loob ng sampung araw ay solve na ang naturang issue.
Kaugnay nito nakarating sa DILG na kahit na naisilbi ng DILG region 1 ang suspension order ng mga Parayno noong January 7, bago pa man ang election period noong January 12 ay hindi pa rin umaalis ang magpinsang Parayno sa puwesto at patuloy pa rin sa pagpasok sa kanilang trabaho bagay na ikinagalit na ng DILG sa hindi pagsunod sa kanilang suspension order.
Sinabi ni Secretary Remulla na naimpormahan na ng DILG ang Commission on Audit, Land Bank at lahat ng ahensiya na legally ay hindi na maaaring pumirma ang mga Parayno.
Ito ay sa kabila ng ulat na nakarating sa DILG na tuloy pa rin ang pagpirma ng mga Parayno sa mga transaksyon sa kanilang mga opisina kahit suspended na ang mga ito.
Dahil sa pagkapit tuko sa posisyon ng mga Parayno, takot at hindi tuloy makapuwesto bilang acting mayor at acting vice mayor sina first Councilor Franco del Prado at 2nd Councilor Warren Andrada.
Si del Prado at Andrada ay inatasan na ng DILG kamakailan na pansamantalang pumalit sa puwesto ng mga Parayno habang suspendido ng isang taon sa posisyon.
Ang mga Parayno ay sinuspinde ng 1 taon sa puwesto ng Malakanyang makaraang mapatunayang guilty sa kasong grave abuse of authority at grave misconduct nang illegal na alisin sa puwesto si Punong Barangay Michael Brian Perez bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay noong 2022 at palitan ng pinapanigang indibidwal kahit labag ito sa batas .
Nabatid na ang provincial liga office lamang ang may kapangyarihang magtanggal sa puwesto ng mga liga officers. (Santi Celario)