Home NATIONWIDE Bagong dengue vaxx pinaapruba ng grupo ng mga doktor kay PBBM

Bagong dengue vaxx pinaapruba ng grupo ng mga doktor kay PBBM

MANILA, Philippines – Sa pagtaas ng mga kaso ng dengue sa buong bansa hinikayat ng Philippine Medical Association (PMA) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ang publiko ng access sa mga new-generation dengue vaccine.

Sa isang liham na ipapadala kay Marcos, binigyang-diin ng PMA na ang dengue ay nananatiling isang malaking krisis sa kalusugan ng publiko, kung saan ang Pilipinas ang nagtatala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso at nasawi sa Southeast Asia.

Habang kinikilala ang ‘5S’ strategy ng gobyerno laban sa dengue, binigyang-diin ng PMA ang pangangailangan ng karagdagang hakbang kabilang ang pagbabakuna.

Ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas ay tumaas nang husto noong 2025, kung saan 28,234 ang naitala noong Pebrero 1—isang 40% na pagtaas mula sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Tumaas ang mga kaso ng 8% sa loob lamang ng dalawang linggo, mula 13,980 (Dis. 22 – Ene. 4) hanggang 15,088 (Ene. 5 – Ene. 18).

Idineklara na ng Quezon City government ang dengue outbreak matapos ang hindi bababa sa 10 pagkamatay, habang nagbabala ang Department of Health (DOH) na maaaring sumunod ang walo pang lugar sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)