MANILA, Philippines – Tinaasan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benepisyo na ibinibigay nito sa mga pasyente na may dengue.
Sa abiso ng DOH, ang dating P10,000 na ibinibigay sa mga may Dengue Fever ay itinaas na sa P19,000.
Tatanggap naman ng P47,000 mula sa dating P16,000 ang mga may severe dengue.
Kaya naman, umaapela ang PhilHealth sa mga may dengue na huwag hahayaan na lumala ang naturang sakit at magtungo na agad sa ospital dahil sagot nila ang pagpapagamot.
Nauna na ring hinikayat ng Philippine Medical Association (PMA) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ang publiko ng access sa mga new-generation dengue vaccine.
Ayon sa PMA, isang malaking krisis sa kasalusugan ng publiko, kung saan ang Pilipinas ang nagtatala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso at nasawi sa Southeast Asia. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)