MANILA, Philippines – Inutusan ng isang korte sa Pasig ang kampo ni Apollo Quiboloy na ipaliwanag kung bakit ipinakita ang kanyang pre-recorded message sa pagtitipon ng Kingdom of Jesus Christ noong Pebrero 9 at inilathala sa Facebook noong Pebrero 10 nang walang pahintulot.
Ayon sa korte, nilabag nito ang kanilang patakaran at binigyan ng limang araw ang kampo ni Quiboloy upang magpaliwanag.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, pinayagan ng korte ang televangelist na magbigay ng prerecorded na mensahe sa mga tagasuporta sa tiyak na mga petsa.
Itinanggi rin niya ang alegasyong VIP treatment at binigyang-diin ang karapatan ni Quiboloy sa ilalim ng Konstitusyon at Nelson Mandela Rules.
Si Quiboloy ay nahaharap sa non-bailable na kasong qualified human trafficking at hiwalay pang mga kasong pang-aabuso sa bata. Hinimok naman ni Torreon ang Commission on Elections na magsagawa ng manual na pagbibilang ng balota para sa mas malinaw na resulta ng halalan. RNT