Pasok si Senator Francis “Tol” Tolentino sa nangungunang anim na ihahalal na senador sa darating May 2025 midterm elections, batay sa pinakabagong survey ng Social Pulse Philippines.
Isinagawa mula Enero 26 hanggang Pebrero 8, 2025, nangunguna ang magkapatid na Erwin at Ben Tulfo sa karera habang lumundag sa pang-anim si Senator Tolentino.
Ang survey ay mula sa 1,000 participants sa buong bansa na may margin of error na ±3%.
Batay sa survey, ang pasok sa top 12 senatorial preferences (February 2025 Survey Results) ay sina Erwin Tulfo, Ben Tulfo, Bong Go, Tito Sotto, Francis Tolentino, Bong Revilla, Pia Cayetano, Manny Pacquiao, Camille Villar, Lito Lapid, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.
Nagsama-sama sa lumabas na survey ang mga batikang mambabatas, mga personalidad sa media, mga bago at datihan na sa pulitika, na nagpapahiwatig ng iba’t ibang damdamin ng mga botante.
Itinatampok ng matibay na posisyon sa survey nina Erwin at Ben ang kanilang appeal o popularidad sa media, habang ang pagtalon ni Sen. Tolentino sa top 6 ay dahil sa lumalakas na pagsuporta sa kanyang mga gawaing panglehislatura.
Ang mga dati at incumbents senators—kinabibilangan nina Bong Go, Tito Sotto, Pia Cayetano, at Bong Revilla—nananatiling competitive, habang sina Camille Villar at Bam Aquino ay namantina ang kanilang ranking.
Sinabi sa survey na napabilang naman sina Lito Lapid at Kiko Pangilinan sa top 12 dahil sa kanilang naestablisang personalidad sa pulitika.
Ilang buwan na lamang bago ang 2025 midterm elections, ang voters preferences ay nananatiling dynamic, naiimpluwensyahan ng mga pambansang isyu tulad ng economic recovery, social services, at governance performance.
Ang pinaghalong mga batikang mambabatas at media-driven candidates ay nagpapatunay na ang mga botante ay ikinokonsidera ang track record at public engagement sa kanilang mga pagpipilian.
Sinabi ng Social Pulse Philippines na patuloy nitong susubaybayan ang damdamin ng botante at magbibigay ng mga insight sa umuusbong na political landscape. RNT