MANILA, Philippines – Naitala ang sampung volcanic earthquakes sa Kanlaon Volcano sa Negros Island, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Miyerkules.
Ang 8 a.m. bulletin ng PHIVOLCS nay nagpakita rin na ang Kanlaon Volcano ay naglabas ng 2,066 tonelada ng sulfur dioxide flux noong Martes, Nobyembre 5.
Noong Martes, nagkaroon ng walong lindol ang Kanlaon Volcano at naglabas ng 4,768 tonelada ng sulfur dioxide flux, gayundin ng 900 metrong plume.
Nauna nang nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) laban sa posibleng pagbagsak ng abo mula sa Kanlaon Volcano patungong hilagang-silangan alas-7:39 ng umaga.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon dahil sa “increased unrest” kasunod ng pagsabog nito noong Hunyo 3.
Ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan, at ipinagbabawal ang paglipad sa anumang sasakyang panghimpapawid na malapit dito.
Maaari ding mangyari ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions. RNT