MANILA, Philippines- Sinuri ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes kasama sina MMDA General Manager Procopio Lipana at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, ang iba’t ibang recycled products sa pagbubukas ng MMDA ng Road to Zero Waste Summit 2024 sa Unilab Bayanihan Center sa Pasig City, Nobyembre 5, 2024.
May temang “Closing the Loop Towards a Circular Economy,” nilalayon ng summit na tugunan ang solid waste challenges ng Metro Manila sa pamamagitan ng pagsusulong ng sustainable waste management practices. Danny Querubin