Home NATIONWIDE P2B pondo ni Sara,tablado sa Senado; P733M inilaan sa OVP – Poe

P2B pondo ni Sara,tablado sa Senado; P733M inilaan sa OVP – Poe

MANILA, Philippines- Kinumpirma ni Senador Grace Poe na tanging P733 milyon lamang sa halip na P2 bilyon ang pinagtibay ng Senate committee on finance sa pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na inaprubahan ng Kamara.

Sinabi ni Poe, chairman ng komite na pinagtibay ang bersyon ng Kamara sa P6.352-trillion General Appropriations Bill para sa 2025 na naglalaan ng P733 million sa Office of the Vice President sa halip na P2 bilyong pondo na nakatala sa National Expenditure Program.

Ayon kay Poe, nakatala ito sa House Bill 10800 sa ilalim ng Committee Report N0. 335 na naglalaman ng 2025 GAB.

“We reached out several times to the Office of the Vice President requesting them to submit documents to clarify issues regarding their budget but they have not submitted as of today,” ayon kay Poe.

“So, we decided to retain the GAB amount pending submission and review of these documents,” giit niya.

Kamakailan, inaprubahan ng Kamara ang 2025 General Appropriation Bill sa ikatlo at huling pagbasa. Binawasan ng Kamara ang panukalang P2 bilyong budget na hinihindi ng OVP tungo sa P1.29 bilyon.

Pero, ayon kay Poe sa interview, hindi isinama ang pondo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa Senate finance committee report sa 2025 GAB.

Sinabi pa ni Poe na ibabalik ang naturang pondo kung magbibigay ang DSWD na justification hinggil sa pondo sa gaganapin na deliberasyon sa plenaryo hinggil sa badyet.

Naunang kinuwestiyon ng ilang senador ang AKAP na ginagamit lamang sa pamumulitika partikular ang pagsusulong ng kontrobersiyal na people’s initiative (PI) campaign sa Charter change.

Tiniyak naman ni Poe sa kanyang sponsoship speech na pinanatili sa Senate version ang badyet na P35.190 bilyon para sa Commission on Elections sa pagsasagawa ng 2025 national and local elections, Barangay at Sangguniang Kabataan elections, at unang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Itinaas din ang pondo ng Department of Health para sa Health Facilities Enhancement Program Fund at iba pang programa pero binawasan ng Senate Finance Committee ang badyet ng Philippine Health Insurance Corporation sa halagang P5.7 bilyon mula sa House-proposed P74 bilyon.

Sa gitna ng kontrobersiya na nagbabanta sa pambansang seguridad ng PIlipinas sa harap ng kaso ni pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor ALice Guo, ayon kay Poe,  susuportahan ng Senado ang Automated Biometrics Identification System ng Bureau of Immigration.

“Wala na ring Alice Guo na makakalusot sa ating immigration… [The Automated Biometrics Identification System] will introduce biometric verification and cross-matching with criminal databases for passengers entering and exiting our ports of entry,” aniya.

Tiniyak din ni Poe na wala nang magaganap na human smuggling at trafficking na gamit ang pribadong eroplano sa paglalaan ng pondo sa pinakamakabagong mobile facial and fingerprint technology sa special o chartered flights.

“This budget isn’t just a series of numbers. It’s a blueprint of our priorities, the most important investment of our government, and the heartbeat of our nation’s future,” ayon kay Poe.

“Under this Senate Committee Report, every peso has been accounted for. With each line item, we asked all agencies, ‘Ano bang gusto nating mangyari dito?’ Accountability is not just a choice, it is our duty,” dagdag ng senador.

Magsisimula ang plenary debates sa 2025 GAB ngayon, Miyerkoles, November 6, 2024. Ernie Reyes