Home NATIONWIDE Signal No. 3 itinaas sa Sta. Ana, Cagayan sa paglakas ni Bagyong...

Signal No. 3 itinaas sa Sta. Ana, Cagayan sa paglakas ni Bagyong Marce

MANILA, Philippines- Itinaas ang Signal No. 3 sa northeastern portion ng mainland Cagayan, partikular sa bayan ng Santa Ana, sa paglakas ni Bagyong Marce nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa PAGASA.

Sa 11 a.m. bulletin, itinaas ng PAGASA ang sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS):

Signal No. 3

  • northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)

Signal No. 2

  • Batanes

  •  Babuyan Islands

  • northern portion ng mainland Cagayan (Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Lasam, Abulug, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Rizal, Santo Niño, Alcala, Amulung)

  • northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Santa Marcela, Flora, Kabugao)

Signal No. 1:

  • Ilocos Norte

  • Ilocos Sur

  • Abra

  • The rest of Apayao

  • Kalinga

  • Mountain Province

  • Ifugao

  • northern portion ng Benguet (Mankayan, Buguias, Kabayan, Bakun, Kibungan, Bokod, Atok)

  • Natitirang bahagi ng mainland Cagayan

  • Isabela

  • Quirino

  • Nueva Vizcaya

  • northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler

Huling namataan si Marce 305 kilometers sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 315 kilometers sa silangan ng Aparri, Cagayan patungo sa direksyong westward sa bilis na 10 kilometers per hour (kph).

Ang bagyo ay may maximum sustained winds na 150 kph malapit sa sentro at gustiness hanggang 185 kph.

“MARCE will make landfall and traverse Babuyan Islands or the northern portions of mainland Cagayan, Ilocos Norte, and Apayao or pass very close to these areas from tomorrow afternoon to Friday (8 November) early morning,” anang PAGASA.

“MARCE is expected to continue intensifying and may reach its peak intensity today its passage over the Babuyan Channel. Slight weakening is expected due to possible interaction with the terrain of mainland Luzon, although MARCE will remain as a typhoon throughout its passage within the PAR region,” dagdag nito.

Inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes ng gabi. RNT/SA